Gusaling walang Mata Ni Kalayaan

sunset_bukalnakatitig ang gusaling walang mata

nakakabingi ang yabag ng pag-aalsa
sing-tamis na halik ng mapait na sumpa
pirasong papel; resume at biodata
sulyap na nais ng manhid na tadhana
sambitin ng uwak ang swerteng dala

Mapili ng tagapag tala
tanging lakas paggawa
ang almusal sa umaga
Aabangan at di magsasawa
igawad na sana ang kontrata
mapawi ang hapdi ng sikmura
pirasong papel hudyat ng simula

alipinin ng dagta ng pakontrata
sahurang diwa sa 8 oras paggawa
over time mo pampasigla
Katas ng pawis ka ibig ibig
sa nagtatangkang mangalipusta
sa litid ng ugat karukhaan ko’y
sa iilan ay pampasaya
at sa amin lubos na dusa

tuloy kayo sa aking balay
dingding ko sayo ay alay
nakausling diwa maralitang buhay
Pira pirasong tarpaulin at tabla
Patong patong na gulong
hinahawi ng panganib
ng mga demolisyon
dugoang pintuan naluray
tokhang sa gabi ay banta

Habang silang nakinabang lubos
sa dugo at pawis ng lakas paggawa
nasa palasyo ng matutulis na pader
gintong pilak ang hapagkainan
palaruan sing lawak ng karagatan
ito ay buhay na sayo’y kawalan
sumpang dambuhalang ganid
itinuro ang iyong karukhaan

sa tahimik na himlay ng sigwa
sa huling gabi ng paglalamay
damayan mo wagas ang pag-iisa
ng Inang Bayang nagluluksa

-end-

(photo credit to CICM Bukal Ng Tipan)

Coffee, Pen and Freedom by Alya

This fresh sunshine leaped!
has embarked in my cup
this hot and pure taste thee
awake, has turned this lazy night
where we sleep at the break of dawn
‘coz we can’t easily break
those random thoughts
music, notes and coffee
This fresh daylight from grey
has pour out best hope to say
only few words have escaped
where political debates mixed
stir with a little sound you play
Oh, this cup of coffee in fresh day!
Embraced this bitter taste feel
To awaken from deepest feel
Painted sign may mark
little things depicts entirety
propagandist stiched and patched
thick and thin have seen
all round and circle
capitalist taste lurked
away from my cup of coffee!
June 12, a misfortune in disguise!
You and I have future wasted away!
Almost , ‘ vomit this last sip of coffee
While this aristocrats and elites cheers!
Of your last cry in a funeral
Of 118 days of Death anniversary!
A day of remorse in June 12,
a funeral paid in misery,
of love offered for beloved country!
her orphaned sons and daughters
to cry this long freedom!

So, cry your last tears!
With this last dregs left
Of freedom lost in vain!
A carnage of dead breathe
This freedom, a walling cry!
Not a vigil in last funeral
not in her death bed sight!
until the last drop of coffee
may see us gayest free!
In this paper ink may dried!
With this painted ink filled
of liberty they feasted in conspire!
a freedom bought in a penny!
this prodigal treaty cheated its way!
A treaty threat freedom in delay!

Have my coffee serve not in delay
may imitate what we hope and see
a freedom sang everyday!
where kids, children play
with the melody of sound picked
freedom true to its sounds
lived, breathed, adored and love

cup
Blood of tears dropped!
Oriental pearl shed tears;
Of this beloved motherland
Of deprived by justified love
From daring merchants traded?
Traded away capitalist who fled!
Submitted June 24, 2016
reevised Jan 2017
Copyright2016
Photo credit The Margin

Kislap ng Ngit sa Dilim By:MTAlmazan

15941483_1410415262310363_8776915317408812938_n

Natural sa tao ang mapagod,
Manghina at mawalan ng lakas.
Subalit nariyan ka parin at dapat ngumiti!!
Dahil ang pagsuko ay simbolo ng iyong kahinaan.
Nariyan ang along magnanakaw ng iyong pangarap,
Ang ulang bubura saiyo ng pag asa

At ang putik na sasalansang saiyong pagkatao.
Ngunit anak! Saiyong pagkadapa may duyang saiyoy sasalo.
Magtataksil saiyo ang langit!!!
Magtatampo rin saiyo ang mundo!!

Papaiyakin ka muna ng ulap!!
Saka mo malalamang ang kasiyahan ay nasa pagtanggap!
Kay daling sabihin ang lahat ng ito!!
Subalit subukan mong lumakad sa gabi…
Masdan mo ang nagiisang bituing nakangiti sa langit

Sige!! Angkinin ko ito ng walang iniisip na may magagalit!!

Bagong Taon Ni Noel Alcober Agustin

mARGIN4Sa tuwing sasapit ang pagpapalit ng taon

Panibagong pag-asa ang itinutuon
Tangan ng bawat isa ang pagkakataon
Na maipahayag ang mabuting layun.

Kay sarap isipin ang nakaraan
Mabubuting nangyari ni ang kabiguan
Na siyang nagdudulot na tayo’y magtumibay
Upang harapin ang hamon nang may katatagan.

Ngunit sa ano pa man at kadahilanan
Tayo’y di dapat mangamba sa kinabukasan
Sapagkat may larang na pumapatnubay
Upang katagumpayan ay makamtan.

Walang hanggang pasasalamat ang aming alay
Sa Amang dakila na Siyang aming gabay
Sa lahat ng bagay Ikaw ang maylalang
Aming magagawa’y purihin at dakilain Kang tunay.

Minsan lang ang maglakbay sa mundong ibabaw
Nawa’y ang darating na taon ay harapin ang hamon
Matingkad at lantad ang pagtanggap sa pagkakataon
Upang ang kinabukasan ay mabuti’t may pag ahon.

12/31/2016 maestro

Tren Ni Alexine Mercado

themargin

Minsan may nakasabay ako sa PNR na isang matandang babaeng papuntang Bicutan at sabi niya sa akin na bibisitahin niya daw ang anak niyang nakakulong. Sa Bicutan din naman baba ko. Nag offer ako ng tulong, andaming kasing dalang bag ni lola puno ng gulay at pagkain. Ang sabi niya yung, “Mga pagkain ay para sa aking mga anak” at kahit bumabagyo at masakit ang paa niya kailangan niya daw bisitahin ang kaniyang anak kasi dalawang buwan na siyang hindi nakakapunta. May lumapit na train marshal sa amin halos malapit lang sa kinakatayuan namin, ang tugon niya, ang bait daw niyang nanay at ang sabi niya lang ay “Ganun talaga ang mga nanay sa kanilang mga anak. Mahal na mahal namin kayo kahit ano pa ang kasalanan ninyo”. Bigla akong napahinto sa sinabi niya, tila binuhusan ako ng malamig na ice bucket. Naalala ko si Inay, noong buhay pa siya. Lage kong sinasamahan siya mamalengke, tuwing linggo. Cliché man ang turan ni manong train marshall ito ay totoo. Ang nanay ang una at huling magmamahal sa kanyang anak, ano man o paano man ang kinahihinatnan nito sa buhay. Tiyak pinaka wagas mag mahal ang mga nanay.

 

Pero kung kasama niyo lang kami kanina, malamang di kayo magdaadlawang isip at masasabi niyo talaga na totoo yon. Nakababa na kami ng tren (sa Bicutan) at nahirapan kami sa mga bag niya kasi sobrang bigat at ang nakakainis pa eh kung paano di kami hindi pansin ng mga tao kanina kahit halata na bigat na bigat ang mga dala namin. Tuloy lang kami sa lakad, na parang hangin sa harap ng mga nag-uunahang pasahero ng tren. Lumapit na kami sa isang traffic enforcer pagkatapos umalis ng station, humihingi kami ng tulong para makatawid. Ngunit nagalit pa siya kasi dapat nag-footbridge na daw kami pero sinigawan ko at sinabi ko na hindi kaya ni nanay umakyat pa sa footbridge at halos nagmakaawa pa si nanay na tulongan kami sa pagtawid. Nung nakatawid na kami may grupo ng mga police officers (sa ilalim ng footbridge sa palengke malapit sa riles) sa harap namin at ang nakakalungkot lang, kami pa ni nanay ang lumapit at nag alok na kami ay tulungan. Pero gaano ka bigat an gaming dala, ganun din ka bigat ang mga balikat ng mga pulis upang tumugon sa aming hinihinging tulong. Tanging pawis at namamaluktot na balikat ni nanay ang pinagmasdan nila, wala man lang nag pagkukusa mula sa 4 na pulis na tulungan kami.  Tuloy lang silang nakaupo at nagtatawanan. Sa sobrang inis ko tinawag ko na si nanay,  “ tara na inay, at aka sila ay maabala pa sa kanilang kasiyahan”. Inikot namin yung maliit na estasyon, kasi wala kaming madadaanan, puno ng kotse ang daan papuntang DOST.

 

Madaming nakakakita sa amin ni nanay na hirap na hirap na pero kahit isa ay walang tumulong. Parang bang ang laki pa ng kasalanan namin ni nanay na nakakaharang pa kami sa kanilang dinadaanan. Nauna na si nanay sa sakayan ng habalhabal at nung nakahabol na ako nalaman ko nagdedemand pa si kuya driver ng 150 pesos ang babayaran ni nanay kasi andaming bag at dalawa daw kaming sasakay pero sabi ko naman na hindi kami magkasama at tinutulungan ko lang si nanay pero nag-gugumiit parin si Manong. Gusto ko lang din malaman ninyo na habang nangyayari tong paggigipit ni manong driver ng pera kay nanay ay may officer sa harap namin. Saka naman binaba ni nanay ang bag niya sa motor kasi nalaman ko na 50 pesos lang ata ang dalang pera ni nanay. Kulang ang pera nitong dala.

 

Sobrang pagod na pagod na ang itsura ni nanay at kahit ako naman din. Wala na akong ibang maisip na pwedeng masasakyan ni nanay kasi hindi rin ako pamilyar sa side ng Bicutan na kung nasaan kami.

 

Binayaran ko na lang at sabay kong niyakap si lola na “salamat ne” na lang nasabi kasi naiiyak na siya, sabay nagpaalam na ako kasi sobrang naiiyak na talaga ako. Naiiyak ako kasi grabe ang sakripsiyo na ginawa ni nanay para sa kanyang anak nakakulong at kasi sobrang nagpapasalamat ako na ganun ang mga nanay sa kanilang mga anak. Kahit nahihirapan na sila at kahit ano pa ang kasalanan natin mahal parin nila tayo at tuloy ang pag aaruga nila sa atin.

 

Wag natin itake for granted yung mga parents natin at mga lola at lolo natin dahil utang natin ang buhay natin sa kanila. At yung mga taong nakakita sa amin ni lola sana maisip niyo na paano kaya kung nanay ninyo yun or pagtanda ninyo ay ganun din ang mararanasan ninyo, na walang tutulong sa inyo. Kahit hindi mo kakilala or kadugo ang tao, tulungan natin ang nangangailangan ng tulong. Hindi lang para sa satisfaction mo sa sarili mo na nasabi mo na nakatulong tayo.

 

Naalala ko ang sabi ng aking guro sa hyskul, Sir Jose Orlando Hormigos , “ …with a simple act of kindness maybe people who you helped would see the world differently and start being kind to one another you actually tried to touch other people’s lives, let us remember they are not just strangers or passer by but they are people who are working hard to ease the pain for her sons and daughters, whom  she love most.

 

Sa aking karanasan kanina, naniniwala ako na meron talagang “good” virus and everybody is a carrier, let us infect and remind each other na we are capable of feeling love and compassion and we should love one another. Stop being selfish and stop thinking only for yourself . We should remember that there is more to life than just surviving.
– STUDENT MEMOIR by Alexine Mercado, Psychology Student from PUP

Open Submission (SONA2016: Youth Agenda)

SONA2016_CONTEST
Open Submission on the Theme: SONA 2016: Youth Agenda

SONA; Youth Agenda,

State of the nation address of President Duterte will fall at the third week of July, this case it can be on July 25. SONA, is an event where Filipino people will hear the president on how he will run the country in the next 6 years, it’s main thrust of governance etc. This is also an opportunity for the youth to raise their voice on the recurring problems of the youth in access of education, unemployment, opportunity for growth and access to development. This open submission is dedicated to answering and hearing the voice of the youth in SONA 2016.

Let the youth speaks and be heard, for they are the future of the nation.

Mechanics:

1.Topic: SONA2016/ YOUTH AGENDA
2. ENGLISH/ Filipino/ cebuano/ dadawenyo
3. Poetry or short stories
4. SHOULD USE #YOUTHAGENDA2016 #SONA2016 before the title of each piece.
5. Deadline: July 25, 2016
6. Successful submission will be published in our website/ page

Goodvibes to all-

-Admin Cams-

Kubo Ni A. Roquero

payag.jpg

Ikaw ay kakambal na ng sakahan
bubong mo’y pundasyon matatag
pahingahan nitong nagpapagal
di ko na mabilang ang araw at buwan
Ilang birthday na ang makalipas
hindi ka pa rin kumukupas

Isang kubo sa gitna ng kumakaway
na nagyayabung mga damo at palay
kilala ka kahit saan lugar
Minsan pahingahan ng nag – aararu
minsan pa silungan ng mag aaral
inabotan na ng malakas na ulan

Ngunit bakit biglang naglaho?
ikaw ala-alang nais balikan
sa gitna ng natitirikang semento
bumungad mayayabong na mga bakal
mga bubong magkakamukha
mga taong di na magkakakilala

Sa gitna ng nag gigitgitang subdivision
muli kitang inalala, na miss na nga kita

ikaw at ang kambal mong magsasaka
Inagawan ng lupa masasaka
inalala ko ang iyong hinagpis
Sa tuwing matatanaw mo larawan
noong may palay pa sa nayon

Ngayon ang natira ay alaala
Tinatanong ko kung kailan ka babalik

copyright 2016
Submitted June 24, 2016
Photo credit to The Margin