Kislap ng Ngit sa Dilim By:MTAlmazan

15941483_1410415262310363_8776915317408812938_n

Natural sa tao ang mapagod,
Manghina at mawalan ng lakas.
Subalit nariyan ka parin at dapat ngumiti!!
Dahil ang pagsuko ay simbolo ng iyong kahinaan.
Nariyan ang along magnanakaw ng iyong pangarap,
Ang ulang bubura saiyo ng pag asa

At ang putik na sasalansang saiyong pagkatao.
Ngunit anak! Saiyong pagkadapa may duyang saiyoy sasalo.
Magtataksil saiyo ang langit!!!
Magtatampo rin saiyo ang mundo!!

Papaiyakin ka muna ng ulap!!
Saka mo malalamang ang kasiyahan ay nasa pagtanggap!
Kay daling sabihin ang lahat ng ito!!
Subalit subukan mong lumakad sa gabi…
Masdan mo ang nagiisang bituing nakangiti sa langit

Sige!! Angkinin ko ito ng walang iniisip na may magagalit!!

Bagong Taon Ni Noel Alcober Agustin

mARGIN4Sa tuwing sasapit ang pagpapalit ng taon

Panibagong pag-asa ang itinutuon
Tangan ng bawat isa ang pagkakataon
Na maipahayag ang mabuting layun.

Kay sarap isipin ang nakaraan
Mabubuting nangyari ni ang kabiguan
Na siyang nagdudulot na tayo’y magtumibay
Upang harapin ang hamon nang may katatagan.

Ngunit sa ano pa man at kadahilanan
Tayo’y di dapat mangamba sa kinabukasan
Sapagkat may larang na pumapatnubay
Upang katagumpayan ay makamtan.

Walang hanggang pasasalamat ang aming alay
Sa Amang dakila na Siyang aming gabay
Sa lahat ng bagay Ikaw ang maylalang
Aming magagawa’y purihin at dakilain Kang tunay.

Minsan lang ang maglakbay sa mundong ibabaw
Nawa’y ang darating na taon ay harapin ang hamon
Matingkad at lantad ang pagtanggap sa pagkakataon
Upang ang kinabukasan ay mabuti’t may pag ahon.

12/31/2016 maestro

Tinokhang na Bagong taon Ni Kalayaan

kalayaan
Panibagong taon’y uudyok sa hugis
ng panibagong hamon ng kasaysayan;
365 araw muli ang bibilangin
makulimlim na kalangitan ay napuno
ng makukulay na desenyo ng fireworks
hahawi sa pagsulpot ng karimlan ng ulap
sa mga tahanan hanap ang sulyap
sa bunsong nag aabang ng ngiti
sa pag dalaw ng katok ni amang
mula sa dekwadradong larawan
tanging pamana at alaalang iniwan

Desyembre 31, desperas ng bagong taon
fireworks sa kalangitan
mga paputok ng bakal sa kalupaan
tila yumanig sa kasayahan
mga panis na noche Buena naiwan
salu – salong nauwi sa huling lamay
mga bilog na prutas nabubulok
inaamag na kasaganahan
mga ipis ang tanging karamay
ng kinabukasan di na malasahan!

Ituro mong lubos sa desperas
ng bagong taon, Please lang!
kung paano gawing masaya
ang huling panalangin sa aba
sa mga nabigong makasama
ang kanilang ama, ina, kapatid!
sa mga bakal na may mantsa
ibinaon sa ulo sa listang husga
sa paglilitis walang pagdinig
sa ngalan ng halimaw na droga!

Isang salu salo hatid sa atin
ng halimaw, kaibigan ng demonyo
na mga absweltong kaanib
may Himalayan mapitagang trono
iginawad ng siyam (9) na husgado
banal na boto, pighati ang dulot nito
sa mga desaparasedong nangingulila
mga bangkay na di na natagpuan
dasal ng nangulila sanay matagpuan
ang mga marka ng torture sa libro
pinunit na pahina ng Martial law!

Ngayon ay bumabalik ang yabag nito
mga bakal na walang tape
mga katawang naka plaster
mga riding in tandem nakalatigo
bubuhayin na muli ab Death Penalty
nakalaya na ang mga tuso
may nagbenta ng prinsipyo
Kaanib na ng hari ng takot
piniling maging myembro ng kulto
iniwan ang mga kampo
inilibing ng buhay ang talino

happy new year mga bes!

Bagong taon bagong pag asa
mga baluktot naging totoo
trolls ang makabagong maligno
sa social media’y trending
makabagong nuno sa punso
ang magsalita laban sa kulto
paparusahan ng demonyo!

Isang bagong taon, puno ng takot
paputok naging usok nang sumabog,
sa kapus palad agad ay hatol

at sakripisyo sa pangarap na kapayaan

empyerno sa karamihang mamamayan

monopolyo ng dambuhalang negosyo
tubo at kita mula samaliit na sahod mo!

Happy new year.

copyright@2017

The MARGIN Philippines

Sugat ni Ibarra! Ni Kalayaan

 

December 30, 1896- isang hatol
armas ng dayuhang baril and kumitil
sugatang dibdib ni Sisa’y nakaratay
Pagal n’yang katawan ay binurol
ang makabayang adhika’y hinukay

Sa mga sugat sa alaala ni Ibarra
Sa bawat amang kinulong nang walang sala
Tanging liham ang siyang pamana
aklat na pamana sa mga anak na naulila
maitala ang kataga ng kalayaang sinta

Maputla ang kalangitan sa araw
ng iyong kadakilaan umaalab na apoy
Narinig mo ang hiyaw ng mga inang naulila
habang paluhod kang bumagsak sa lupa’y
dahan dahang pagpikit ng iyong mga mata
luha’t dugo’y matutuyo sa lupang niyakap mo

nitong inalayan mo ng dugo’y iba ang bigkas ng dila
kinalimutan ang sinapupunang s’yang nag-aruga
kinupkop ang diwang at kulturang dayo
Hinubog ng kamalayang hindi maka Pilipino
Tuwirang pinaubaya ang kasarinlan sa demunyo

Ang baril na siyang bumiyak sa iyong dibdib
siya ring dugong bumulwak sa tama ng bala
Mula sa gapos ng tanikala- likha nitong banyaga
At dusta ng punlo sa puso nitong aping makata
At nang masaksihan ikaw aking inang lumaya

Himlay mo’y; pinagdiwang ni Damaso,
Sa iyong paglisa’y nag- iwan ng ligalig
Sa mga mananakop na dayo
nagpapaalab sa damdamin ni Simoun
nagpapatalas sa diwang makabansa ang tumugon

Ang dugong tumagas mula sa dibdib
Ay pamana- butil na ipinunla sa tinubuang lupa
tubig na umagos didilig pagsintang alay
uulanin ka ng liwanag ng magiting na haring araw
Sisibol Nang matarik ang kasarinlan!

Itinumba ka ng bala mula sa prayle sa Espanya
Balang ginamit, kalawang ang aangkin
Ngunit ang pagal mong katawan ay buhay na diwa
Inilibing, ibinurol, sa lupang labis mong giliw
Kailan man, ang iyong kaisipan di magmamaliw

(pagsaludo sa kabayanihan ni Jose P. Rizal, para sa Kasarinlan)

December 30, 2016

(revised)

(Pinta ni Von Adlawan)

kalayaan

Sagasa (maikling kwento) Ni Kalayaan

Halos mapang abot na ang ulo at tunod ni Dumay sa hingal. Naulinigan kasi niya ang mga nasagasaan ng patrol car ng pulis sa Mendiola.

Inang Inang na tawagan mo ba si Amang? Nasa maayos daw po ba siya ang ng kanyang kasamahan? Dumay ‘ wag kanang mag- mag alala. Ma patid man ang bagong tsenelas ng Amang ay nasa maayos iyon. Tandaan mo nasa Manila yun. Di naman adik si Amang. Pabirong payo at paalala ng kanyang lola. Halika na at mag handa Kana. Pang 40 days na kamatayan ni Puldo. Naga antay ang mga kasamahan ni tatay mo doon. Tiyak hahanapin ka ng kanyang mga anak. Makikibalita yon. Lola balita ko po ay darating don si Mayor at mga kapulisan sa 40 days mamaya. Hay naku apo, 40 days nalang ay wala pang balita sa kaso nang lupa. At ang mga pumatay kay Puldo dating tauhan ni Mayor, wala pa ring pagdinig doon. Malamang wala na naman maririnig ang mga magsasaka kundi ang proyektong turismo at pa trabahong kontraktwal sa bayan si Mayor. Sa kanyang sariling kumpanya.

Lola Bakit po may pinturang itim sa bubong natin? Biglang nahulog ang isang tasang kape ni lola. Kailan pa yan nandiyan apo? Kahapon po nang pagkaalis ni Amang. Apo loadan mo cp mo at Kumustahin natin si Amang mo.

Kumaripas ng takbo si Dumay sa tindahan.

wakas###

barya

 

Oct 19, 2016
Copyright 2016.
by The Margin Philippines

Photo credit to TMP

Tren Ni Alexine Mercado

themargin

Minsan may nakasabay ako sa PNR na isang matandang babaeng papuntang Bicutan at sabi niya sa akin na bibisitahin niya daw ang anak niyang nakakulong. Sa Bicutan din naman baba ko. Nag offer ako ng tulong, andaming kasing dalang bag ni lola puno ng gulay at pagkain. Ang sabi niya yung, “Mga pagkain ay para sa aking mga anak” at kahit bumabagyo at masakit ang paa niya kailangan niya daw bisitahin ang kaniyang anak kasi dalawang buwan na siyang hindi nakakapunta. May lumapit na train marshal sa amin halos malapit lang sa kinakatayuan namin, ang tugon niya, ang bait daw niyang nanay at ang sabi niya lang ay “Ganun talaga ang mga nanay sa kanilang mga anak. Mahal na mahal namin kayo kahit ano pa ang kasalanan ninyo”. Bigla akong napahinto sa sinabi niya, tila binuhusan ako ng malamig na ice bucket. Naalala ko si Inay, noong buhay pa siya. Lage kong sinasamahan siya mamalengke, tuwing linggo. Cliché man ang turan ni manong train marshall ito ay totoo. Ang nanay ang una at huling magmamahal sa kanyang anak, ano man o paano man ang kinahihinatnan nito sa buhay. Tiyak pinaka wagas mag mahal ang mga nanay.

 

Pero kung kasama niyo lang kami kanina, malamang di kayo magdaadlawang isip at masasabi niyo talaga na totoo yon. Nakababa na kami ng tren (sa Bicutan) at nahirapan kami sa mga bag niya kasi sobrang bigat at ang nakakainis pa eh kung paano di kami hindi pansin ng mga tao kanina kahit halata na bigat na bigat ang mga dala namin. Tuloy lang kami sa lakad, na parang hangin sa harap ng mga nag-uunahang pasahero ng tren. Lumapit na kami sa isang traffic enforcer pagkatapos umalis ng station, humihingi kami ng tulong para makatawid. Ngunit nagalit pa siya kasi dapat nag-footbridge na daw kami pero sinigawan ko at sinabi ko na hindi kaya ni nanay umakyat pa sa footbridge at halos nagmakaawa pa si nanay na tulongan kami sa pagtawid. Nung nakatawid na kami may grupo ng mga police officers (sa ilalim ng footbridge sa palengke malapit sa riles) sa harap namin at ang nakakalungkot lang, kami pa ni nanay ang lumapit at nag alok na kami ay tulungan. Pero gaano ka bigat an gaming dala, ganun din ka bigat ang mga balikat ng mga pulis upang tumugon sa aming hinihinging tulong. Tanging pawis at namamaluktot na balikat ni nanay ang pinagmasdan nila, wala man lang nag pagkukusa mula sa 4 na pulis na tulungan kami.  Tuloy lang silang nakaupo at nagtatawanan. Sa sobrang inis ko tinawag ko na si nanay,  “ tara na inay, at aka sila ay maabala pa sa kanilang kasiyahan”. Inikot namin yung maliit na estasyon, kasi wala kaming madadaanan, puno ng kotse ang daan papuntang DOST.

 

Madaming nakakakita sa amin ni nanay na hirap na hirap na pero kahit isa ay walang tumulong. Parang bang ang laki pa ng kasalanan namin ni nanay na nakakaharang pa kami sa kanilang dinadaanan. Nauna na si nanay sa sakayan ng habalhabal at nung nakahabol na ako nalaman ko nagdedemand pa si kuya driver ng 150 pesos ang babayaran ni nanay kasi andaming bag at dalawa daw kaming sasakay pero sabi ko naman na hindi kami magkasama at tinutulungan ko lang si nanay pero nag-gugumiit parin si Manong. Gusto ko lang din malaman ninyo na habang nangyayari tong paggigipit ni manong driver ng pera kay nanay ay may officer sa harap namin. Saka naman binaba ni nanay ang bag niya sa motor kasi nalaman ko na 50 pesos lang ata ang dalang pera ni nanay. Kulang ang pera nitong dala.

 

Sobrang pagod na pagod na ang itsura ni nanay at kahit ako naman din. Wala na akong ibang maisip na pwedeng masasakyan ni nanay kasi hindi rin ako pamilyar sa side ng Bicutan na kung nasaan kami.

 

Binayaran ko na lang at sabay kong niyakap si lola na “salamat ne” na lang nasabi kasi naiiyak na siya, sabay nagpaalam na ako kasi sobrang naiiyak na talaga ako. Naiiyak ako kasi grabe ang sakripsiyo na ginawa ni nanay para sa kanyang anak nakakulong at kasi sobrang nagpapasalamat ako na ganun ang mga nanay sa kanilang mga anak. Kahit nahihirapan na sila at kahit ano pa ang kasalanan natin mahal parin nila tayo at tuloy ang pag aaruga nila sa atin.

 

Wag natin itake for granted yung mga parents natin at mga lola at lolo natin dahil utang natin ang buhay natin sa kanila. At yung mga taong nakakita sa amin ni lola sana maisip niyo na paano kaya kung nanay ninyo yun or pagtanda ninyo ay ganun din ang mararanasan ninyo, na walang tutulong sa inyo. Kahit hindi mo kakilala or kadugo ang tao, tulungan natin ang nangangailangan ng tulong. Hindi lang para sa satisfaction mo sa sarili mo na nasabi mo na nakatulong tayo.

 

Naalala ko ang sabi ng aking guro sa hyskul, Sir Jose Orlando Hormigos , “ …with a simple act of kindness maybe people who you helped would see the world differently and start being kind to one another you actually tried to touch other people’s lives, let us remember they are not just strangers or passer by but they are people who are working hard to ease the pain for her sons and daughters, whom  she love most.

 

Sa aking karanasan kanina, naniniwala ako na meron talagang “good” virus and everybody is a carrier, let us infect and remind each other na we are capable of feeling love and compassion and we should love one another. Stop being selfish and stop thinking only for yourself . We should remember that there is more to life than just surviving.
– STUDENT MEMOIR by Alexine Mercado, Psychology Student from PUP