Gusaling walang Mata Ni Kalayaan

sunset_bukalnakatitig ang gusaling walang mata

nakakabingi ang yabag ng pag-aalsa
sing-tamis na halik ng mapait na sumpa
pirasong papel; resume at biodata
sulyap na nais ng manhid na tadhana
sambitin ng uwak ang swerteng dala

Mapili ng tagapag tala
tanging lakas paggawa
ang almusal sa umaga
Aabangan at di magsasawa
igawad na sana ang kontrata
mapawi ang hapdi ng sikmura
pirasong papel hudyat ng simula

alipinin ng dagta ng pakontrata
sahurang diwa sa 8 oras paggawa
over time mo pampasigla
Katas ng pawis ka ibig ibig
sa nagtatangkang mangalipusta
sa litid ng ugat karukhaan ko’y
sa iilan ay pampasaya
at sa amin lubos na dusa

tuloy kayo sa aking balay
dingding ko sayo ay alay
nakausling diwa maralitang buhay
Pira pirasong tarpaulin at tabla
Patong patong na gulong
hinahawi ng panganib
ng mga demolisyon
dugoang pintuan naluray
tokhang sa gabi ay banta

Habang silang nakinabang lubos
sa dugo at pawis ng lakas paggawa
nasa palasyo ng matutulis na pader
gintong pilak ang hapagkainan
palaruan sing lawak ng karagatan
ito ay buhay na sayo’y kawalan
sumpang dambuhalang ganid
itinuro ang iyong karukhaan

sa tahimik na himlay ng sigwa
sa huling gabi ng paglalamay
damayan mo wagas ang pag-iisa
ng Inang Bayang nagluluksa

-end-

(photo credit to CICM Bukal Ng Tipan)

Advertisements

Musmos na Kadukhaan Ni Teng Adlawan

 

Musmos na kadukhaan
palaruan’y buong lansangan
palasyo di gulong na kariton
pananggalang sa init at ulan
kung saan bayan narin nakarating

Na bansot ng kahirapan
sagana sa kawalan
mayaman sa pangarap
sa panaginip lang aalwan mula
namimintohong sakit ng tiyan

Ngayo’y bago na ang halal na pangulo
At ang unang lilinisin yaring palasyo
na aming nang nakasanayang bubong
mula sa unos tinawag nilang kaunlaran

Good news, itong palasyo kong kariton
ay mapapalitan na na ng malalamig
na mga semento at rehas
di hamak na mas matibay
sa nakasanayang sira sirang palasyo

Sapagkat sa mata ng malalaki
kaming maliliit ay pakalat kalat sa tabi
hapag ay namimihasang tarpauline
at bubong ay pinagtagpi tagping kable
pagkain’y pinagsawaan na ng ipis sa tabi.

Sabi nila bago na daw ang Presidente
nakaukit ang kanyang pangalan
sa pinagtagpi tagping tarpauline
sa luma at pagiwang- giwang
na kariton na tila nagrereklamong
kinalawang na matandang pako.

Ni hindi alam kung kailan mapapalitaan!

Kariton.jpg

***
May 23, 2016

credit to penning art by the author ( penning art in a paper)

Red Valentines Day! By Von Adlawan

red valentines

For this day is made

A red valentines day!

a celebration with a cause

for purse required a cost!

 

teary eyes of Recto Street lads

there are red colors,

feast they make amass

these are all free, just pay the price

 

Slowly dimming light

Solely witness of  red scale night

grey dark street of Espanya

sales from Sampaguita

 

flashing and glittering stars

where eyes only comfort

and there are plenty of red shapes

pierced in the heart of this lad

Eyes have seen but not looking at

Getting left over from fast food chain!

from the garbage bag

 

hard, soft, sour and sweetness leftover

last supper, where flies, cockroach shares

Sometimes there are distorted colored can

printed by the name of Coca cola, RC, Pepsi

There are also fried chicken, sort of hot sauce

to stare at the red shape of the moon!

of dimming light where hunger is only refuge!

 

 

And there are shades, shapes of every kind

in the streets seems festive

Hotels offering an all night discounts

But for the lad of no home to sleep

and no shelter to rest this weary soul!

The stars were made too far to catch?