True Love ni Mirty Lovelle Torres

InaSa tapat ng pintuan ng bahay, muli ko na namang inipon ang tapang ko. Ito na ang kinagawian ko sa tuwing gagabihin ako sa labas. Pagkabukas ko ng pinto, inaasahan ko na galit mo ang siyang sasalubong sa akin.

Kabado kong binuksan ang pinto gamit ang susing ipinagkatiwala mo sa akin, dahan-dahang pinihit ang seradura at maingat na itinulak, ingat na ingat na huwag makalikha kahit na ng pinakamahinang ingay.

Nakita kitang nakahiga sa sofa, bahagyang
nakanganga, nakatulog sa kahihintay sa suwail mong
anak.

Napabuntong-hininga ako. Malalim. Maingat akong lumapit sa iyo upang gisingin ka.

“Papa, lumipat na po kayo sa kwarto.” mahinang sabi ko habang bahagyang tinapik ang kamay mo.

Nang magmulat ka, agad mong sinuri ang kabuuan ko, kilos ng isang amang alalang-alala.

“You always break the rules, Vella.” malungkot na sabi mo. Napatungo ako, hindi makasagot sa iyong tinuran.

“Come here. Sit beside me.” alok mo sa akin na siya namang ipinagtaka ko. Ngunit nagtaka man, batid kong pakiusap, hindi utos, ang iyong himig. Kaya’t ako’y maamong naupo sa tabi mo.

“You know, anak, when you were a little girl, palagi ka ding nakakatulog dito sa sofa sa kahihintay mo sa akin. Ganito din siguro ang nararamdaman mo noon, puno ng takot at pag-aalala.” sabi mo habang hinahaplos ang buhok ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang kabataan ko. At hindi naman ako nahirapang balikan iyon.

“Tama ka, Papa. Lagi nga akong nag-aalala at natatakot noon.” sabi ko habang unti-unting naglalandas ang luha mula sa mga mata ko pababa sa mga pisngi ko.

“Takot po ako na baka mapaano kayo.” dagdag ko pa habang nagsisimulang humikbi.

Niyakap mo ako ng mahigpit.

“Anak, ganoon din ang takot at pag-aalalang nararamdaman ko sa tuwing wala ka pa sa bahay at dis-oras na ng gabi.”

“Alam kong ikaw ang pinakamatapang sa inyong magkakapatid. Pero, anak, huwag mo sanang kalimutang babae ka pa rin. Ang gusto ko ay ingatan mo ang sarili mo ng higit pa sa pag-iingat na ginagawa namin para sa’yo.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kung kaya’t napahagulgol na ako.

“Anak, I know I’m not that vocal, specially when it comes to sensitive moments. But, I’m telling you now: Papa loves you so much… more than what you think.” prangka mong sinabi sa akin.

Hindi ako makasagot. Hindi pa ako makapaniwala kaagad. Natahimik ako. Tuwang-tuwa ako na narinig ko na rin sa wakas ang mga salitang matagal ko ng pinangarap na marinig mula sa’yo, Papa.

Pagkalas mo sa pagkakayakap sa akin, nagpaalam kang papasok na sa iyong silid. Malapit ka na sa pinto ng iyong kwarto nang makuha ko nang magsalita sa gitna nang pag-iyak ko.

“I love you, too, Papa! You’ll always be my true love. I’m sorry.” ibinulalas ng aking damdamin.

Isang matamis na ngiti ang isinukli mo sa narinig mo, waring nagsasabi sa akin na matagal mo na ring pinapangarap na marinig iyon mula sa akin.

Bukas, sigurado ako, may bagong umaga para sa aming mag-ama.

—WAKAS—

Negotiate

Tell me about love
And I will tell you a painting
hue is for sure common for both
Selection of colors is not absolute
You can paint and love the same
But you can’t love and paint!

I might not get you straight
So let me tell you more direct language
Not with flowery, lucidity and variety
Nor with metaphor, simile and exaggeration!
for what is simple, clear is understandable

You can love but you can’t paint at the same time
love requires a reciprocal response
At the head start love is pleasurable like Eros
but as motivation fails, as it fails to ignite!
It will offer pain, suffering, worse is insomnia

And I don’t believe that unconditional love exist
love is attraction- first with physical or non- physical aspect
without of these element- love is not possible
so love itself- is a product of interaction
And it is not just an interaction- it is a negotiation!

So love and all its components,
Is a series of negotiation- an agreement and disagreement!
So when love becomes impossible- negotiation also ends
So when you love- think if you can negotiate with
feeling and reason, with compromise and principles!

But you can paint and love, things is possible
Painting is an act of love- without sex
the only act- that does not need a failure!
of course you can’t have sex with your art works
unless, you are out of your mind!

In painting, you don’t need to negotiate
Nor need to convince or to disagree with
because you create it- you have a full control
You don’t even need to be a philosopher to do it
nor need to be an existentialist to make one

All you need is an eye for appreciation
to see the details of beauty in the remote life
In the margin- which rest the beauty of struggle?
To the slums- where you can find the beauty
of simplicity- where rejections are illusions

There I tell you my friend, stroke your brush
all sided, varied angle to convey real things
Not the fake, artificial and pretensions!
So wash your paint brush- and strengthen your palate
for we are going to paint love that is true

Come my friend, let’s paint a new life
Let’s create culture that project real life!

warwick